Pangulong Duterte, nag-sorry sa aberya sa MRT-3

By Kabie Aenlle November 20, 2017 - 03:16 AM

 

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa nangyaring aberya sa MRT-3 noong nakaraang linggo kung saan nakalas ang isang bagon mula sa tren sa pagitan ng Ayala at Buendia stations.

Sa pagharap ni Duterte sa media, sinabi niyang bagaman naniniwala siyang may pananabotaheng nagaganap sa MRT-3, hindi na aniya siya magdadahilan pa tungkol sa nagyari.

Giit naman ng pangulo, hindi ito isang “excuse” lamang kundi isang anggulong dapat tingnan sa mga pangyayari.

Wala aniya silang ibang maiaalok kundi ang paghingi na lamang ng paumanhin sa publiko dahil sa aberyang idinulot nito sa kanila.

“But this is not an excuse actually. We offer no excuse, but apologies maybe to the public for the inconvenience caused,” paliwanag ng pangulo.

Matatandaang napag-alaman na nawawala ang “messma card” sa nakalas na bagon o ang card na nagre-record sa lahat ng mga nangyayari sa tren ng MRT.

Ayon sa pangulo, ang pagkawala pa lang ng bahaging ito ay isa nang indikasyon ng pananabotahe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.