Mga bilanggo, kumuha ng-exam para makakuha ng diploma

By Justinne Punsalang November 20, 2017 - 12:33 AM

 

Inquirer file photo

Sumalang sa pagsusulit ang mahigit 800 mga bilanggo ng Manila City Jail ngayong araw para makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng diploma.

Isang accreditation and equivalency test ang kinuha ng mga bilanggo. Ito ay bahagi ng alternative learning system (ALS) ng Department of Education (DepEd)

Sa tala ng naturang piitan, 243 sa kanilang mga bilanggo ang kumuha ng exam para makapagtapos ng elementarya, habang 634 naman para sa high school.

Sa ilalim ng ALS program ng DepEd, maituturing nang nakapagtapos ang mga makakapasa sa pagsusulit.

Samantala, pwede namang pumasok sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga bilanggong nakakuha na ng diploma para sa high school o kung hindi man ay gamitin ang resulta ng exam para makahanap ng trabaho sa kanilang paglaya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.