Striktong implementasyon ng ‘Yellow lane policy’ muling ipatutupad sa EDSA simula ngayong araw

By Jay Dones November 20, 2017 - 12:04 AM

 

Simula nang muli ngayong araw ng Lunes ang striktong implementasyon ng ‘yellow lane policy’ sa kahabaan ng EDSA.

Sa ilalim ng polisiya, hindi maaring lumabas ng outer lane o ‘yellow lane’ ang mga pampublikong sasakyan o mga bus at ipagbabawal rin na pumasok dito ang mga pribadong sasakyan.

Ayon sa Department of Transportation, layunin ng polisiya na hikayatin ang mga commuters na tangkilin ang mga bus.

Paliwanag ng MMDA, maari lamang pahintulutan ang mga pribadong sasakyan na pumasok sa yellow lane kung ito ay liliko.

Gayunman kinakailangang gawin ito ng sasakyan sa loob ng 50 metro layo bago ang kanto na lilikuan nito.

May mga ‘transition lane’ aniya o mga puting linya na nakapinta sa lansangan bago kanto na maaring magsilbing gabay ng mga lilikong motorista.

Taong 1997 pa ipinatutupad ang “yellow plates on yellow lane” policy na inilabas ng Metro Manila Council.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.