Risky operations iniiwasan na dahil sa karanasan sa Mamasapano – Napeñas

By Jay Dones September 17, 2015 - 08:57 PM

Inquirer file photo

Sa kabila ng ‘vindication’ na tinanggap ng puwersa ng Special Action Force matapos ihayag ni Pangulong Noynoy Aquino na ang SAF ang nakapatay sa teroristang si Marwan, aminado si dating SAF Director Getulio Napeñas na hindi pa rin ganap ang kanyang kasiyahan ukol dito.

Aminado ang retiradong heneral na apektado pa rin siya dahil sa kabila ng pagiging isa nang sibilyan, may kinakaharap pa rin siya at ilan pang mga nanguna sa ‘Oplan Exodus’ na kasong kriminal at sibil kaugnay sa Mamasapano incident sa Ombudsman.

Dahilan aniya dito, nag-aatubili ang ilang mga police officers na maglunsad ng mga ‘risky operation’ dahil sa pangambang maging sila ay makasuhan sakaling hindi maging maganda ang kahihinatnan ng isang operasyon.

Hiling ng retiradong heneral, sana’y mabigyan ng ‘presumption of regularity’ ang mga alagad ng batas sa pagtupad sa tungkulin.

Gayunman, handa aniya siyang harapin ang naturang kaso.

Bagaman batid niya aniyang nasa balag ng alanganin ang kanyang mga benepisyo , mahalaga aniyang naliwanagan ang publiko sa naturang usapin at mas mahalaga ang ‘honor at dignity’ sa kanya.

“It’s about honor and dignity dun sa ginawa mo na trabaho. Ginawa mo, nagawa mo tapos kakasuhan ka. Well, maraming namatay but let’s look at the details kung bakit maraming namatay. MILF ang pumatay.” paliwanag ni Napeñas.

“37 years ako mahigit sa serbisyo, wala akong naging conviction in any criminal o admin na kaso. Wala. Tapos ito trabaho ito, sana huwag naman ganon ang kahinatnan ng aking benepisyo after all the years that I’ve rendered in the police service,” dagdag pa ng heneral.

Umaasa rin si Napeñas na sa pamamagitan ng opisyal na pahayag ng Pangulo na nagsasabing ang SAF ang nakapatay kay Marwan sa isang lehitimong operasyon ay mapapagaang ang kinakaharap nilang kaso sa Ombudsman.

Samantala, maging ang mga pamilya ng nasawing SAF troopers ay tanggap ang naging kinahinatnan ng Oplan Exodus.

Kanya aniyang inisa-isa na bisitahin ang bawat pamilya ng nasawing commandos at wala siya aniyang narinig na masama mula sa mga ito.  

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.