CJ Sereno, malabong dumalo sa pagdinig ng Kongreso sa kanyang impeachment case

By Mariel Cruz November 19, 2017 - 02:27 PM

Posibleng hindi dumalo si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagdinig ng House Committee on Justice ukol sa impeachment complaint laban sa kanya sa darating na Miyerkules.

Ito’y kahit pa nagpagdala na ng pormal na imbitasyon ng House panel kay Sereno para humarap sa pagdinig.

Ayon kay Atty. Josa Deinla, tagapagsalita ni Sereno, bago pa man lumabas ang nasabing imbitasyon ay nakapagdesisyon na ang chief justice na hindi dumalo sa pagdinig.

May mga tungkulin aniya si Sereno bilang Punong Mahistrado na ayaw niyang maistorbo.

Ani Deinla, pinag-aaralan pa ng kanilang kampo kung ano ang magiging hakbang nila o tugon sa imbitasyon.

Sa ngayon aniya ay hindi pa nila batid kung magbabago pa ng posisyon ni Sereno sa naturang usapin.

Pero tiniyak naman ni Deinla na dadalo sa pagdinig sa Miyerkules ang mga abogado at tagapagsalita ni Sereno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.