Napeñas, nagpasalamat kay Pangulong Aquino

By Jay Dones September 17, 2015 - 07:51 PM

 

Inquirer file photo

Nagpasalamat si dating SAF Chief retired Director Getulio Napeñas sa ginawang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III na nagpapatunay na ang mga commandos ng Special Action Force ang naka-neutralize sa international terrorist at bomb-maker na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Napeñas na masaya siya at naliwanagan na ang naturang isyu at nabigyan na ng closure ang usapin.

Bukod dito, naniniwala si Napeñas na nanumbalik ang tiwala ng pangulo sa SAF at sa mga ahensya na nag-imbestiga sa Mamasapano Incident.

Una pa lamang, tiwala na siya aniya na lalabas ang katotohanan sa naturang usapin.

Samantala, inamin din ni Napenas na nalungkot siya at ang buong puwersa ng SAF at mga kasapi ng Oplan Exodus nang lumabas ang naturang balita na may ‘alternative truth’ sa likod ng Mamasapano incident na pinalutang diumano ng MILF.

Giit ni Napenas, tila sinisira ng naturang alegasyon ang buong puwersa ng SAF at maging ang buong hanay ng PNP.

Naniniwala rin si Napenas na nais lamang ng grupong nagsabing ang ‘aide’ ni Marwan ang nakapatay dito na pabanguhin ang kanilang pangalan.

Isa rin sa kanilang sinisilip ay ang posibilidad na may nag-interes sa limang milyong dolyar na pabuya sa ulo ni Marwan.

SA panayam pa rin ng Radyo Inquirer, muli ring iginiit ni Napenas na walang foreigner na sumama sa combat operation sa pag-neutralize kay Marwan at lalong walang nasawi habang ito ay isinasakatuparan.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.