Search operation sa nawawalang submarine sa Argentina, pinaigting

By Mariel Cruz November 19, 2017 - 08:32 AM

2013 photo of ARA San Juan | AP PHOTO

Nagpatupad ang Argentina Navy ng mas pinaigting na search operations sa isang submarine na tatlong araw nang nawawala.

Ayon kay Navy spokesman Enrique Balbi, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na nagkaroon ng problema sa komunikasyon o sa power system ang submarine.

Dinoble na aniya nila ang ginagawang paghahanap sa German-built diesel-electric submarine na ARA San Juan na may apatnapu’t apat na sakay.

Huling nagkaroon ng contact ang mga otoridad sa nasabing submarine noong nakaraang Miyerkules habang naglalayag ito sa extreme southern port ng Ushuaia patungong Mar del Plata.

Sa isang tweet, sinabi ni President Mauricio Macri na gagamit nila ang lahat ng kanilang resources para mahanap ang submarine.

Nagpaabot na ng kahandaan na tumulong ang iba’t ibang bansa tulad ng Chile, Uruguay, Peru at Brazil.

Habang ang United States naman ay nagpadala na ng isang NASA scientific aircraft at isang Navy plane para makatulong sa search operations.

Ngayong araw naman dadating ang ipinadala ng Britain na isang polar exploration vessel, at HMS Protector.

Ayon kay Admiral Gabriel Gonzalez, pinuno ng Mar del Plata Naval Base, mas pinaigting na din ng mga otoridad ang isinasagawang surface at underwater search sa nawawalang ARA San Juan.

Mataimtim na ipagdarasal naman ni Pope Francis ang kaligtasan ng mga sakay ng submarine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.