Paglabag ni Maria Isabel Lopez sa ASEAN lane, ipinaubaya na ng MMDA sa LTO
Winakasan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang imbestigasyon sa naging paglabag sa batas trapiko ng beauty queen-actress na si Maria Isabel Lopez sa pagdaan nito sa ASEAN lane.
Ito ay matapos iturn-over na ng ahensya sa Land Transportation Office (LTO) ang kaso ni Lopez.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations Jojo Garcia, nasa kamay na ng LTO ang kahihinatnan ng aktres na kasalukuyang nahaharap sa mga kaso kaugnay ng reckless driving at paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.
Gayunpaman, sinabi ni Garcia na patuloy na nagsasagawa ng review ang MMDA sa mga kuha ng CCTV kasunod ng pahayag ni Lopez na marami rinng motorista ang pumasok din sa lane.
Siniguro ng opisyal na hindi nila mamanipulahin ang mga CCTV footage at pananagutin din ang mga motoristang lumabag dito.
Samantala, bilang tugon sa pahayag ni Lopez na mas dumami ang kanyang proyekto matapos maging pasaway, sinabi ni Garcia na hangad nila ang tagumpay ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.