Nagbitiw na Lebanon PM na si Saad Hariri, babalik ng Beirut sa mga susunod na araw
Inanunsyo ni Lebanese Prime Minister Saad Hariri na nakatakda siyang bumalik sa Beirut, Lebanon sa mga susunod na araw.
Sa kanyang pagbabalik ay lilinawin niya ang naging kanyang desisyong magbitiw sa pwesto,
Matatandaang nagbitiw bilang PM si Hariri sa pamamagitan ng isang television broadcast sa Saudi Arabia noong November 4.
Iginiit ni Hariri na walang panggigipit na ginawa sa kanya ang Saudi upang humantong siya sa desisyong magbitiw.
Nauna na ngang inakusahan ni Hariri ang Iran ng planong pagsira sa buong rehiyon.
Inaakusahan din niya ng destabilization plot ang ally ng Iran sa Lebanon na grupong ‘Hezbollah’.
Hindi tinanggap ni Lebanon President Michael Aoun ang resignation ni Hariri dahil naniniwala itong inipit lamang ito ng Saudi Arabia.
Ang Saudi Arabia at Iran ay may ilang dekada nang hidwaan sa isa’t isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.