90% ng pinakamahihirap sa ASEAN, mga Indonesians at Pinoy – ASEAN-UNDP Report

By Rhommel Balasbas November 19, 2017 - 04:51 AM

iNQUIRER.net

Lumalabas sa isang report na 90 porsyento ng mga taong maikokonsiderang nasa ilalim ng “extreme poverty” o lubhang mahirap ay mga Indonesians at Pinoy.

Ang ulat ng ASEAN-China-UNDP ay pinamagatang “Report on Financing the Sustainable Development Goals (SDGs) in ASEAN: Strengthening Integrated National Financing Frameworks to Deliver the 2030 Agenda.”

Nakalakip sa report ang pag-aanalisa sa pangangailangan ng mga ASEAN member-states sa aspeto ng pondo, para pasulungin ang Sustainable Development Goals sa rehiyon.

Inilabas ang ulat ng head office ng ASEAN kasama ang UNDP at People’s Republic of China.

Ayon sa naturang ulat, nasa humigit-kumulang 36 milyong katao sa rehiyon ay lubhang mahirap o nasa ilalim ng international poverty line.

Siyamnapung porsyento sa bilang na ito ay naninirahan sa Indonesia at Pilipinas ayon sa report.

Bagamat bumaba ang bahagdan ng “extreme poverty” sa rehiyon mula 17 percent noong 2005 sa 7 percent noong 2013, maraming mahihirap na nagtatrabaho ang may mas malaking tyansang bumalik pa rin sa kahirapan.

Gayunpaman, nagkaroon ng pag-unlad sa pagbibigay ng Universal Health Coverage (UHC) sa mga mamamayan ng ASEAN.

Isa ito sa mga susi upang mapabuti pa ang buhay ng mga mamamayan partikular sa paglaban sa mga sakit.

TAGS: 90 percent of people below poverty line in ASEAN are living in Indonesia and Philippines, ASEAN-UNDP Report, 90 percent of people below poverty line in ASEAN are living in Indonesia and Philippines, ASEAN-UNDP Report

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.