Peace talks sa CPP-NPA tuluyan nang tinalikuran ni Duterte
Hindi na gusto pa ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan sa New People’s Army.
Sa isang press conference sa Davao City, sinabi ng pangulo na wala nang dahilan para makipag-usap pa sa mga komunistang grupo kung ang tingin naman nila sa kanya ay isa siyang corrupt na opisyal ng gobyerno at isang pasistang pinuno.
Ang naturang pahayag ng pangulo ay biglang pag-iiba sa mga nauna na niyang pahiwatig na bukas siya na muling makipag-usap sa mga rebeldeng grupo.
Dagdag pa ng pangulo, maglalabas siya ng proclamation kung saan nakasaad na hindi na kikilalalnin pa ng pamahalaan ang NPA bilang mga lehitimong rebelde.
Aniya, ngayon ay ikukundisera na silang mga kriminal.
Ito ay matapos ang sunod-sunod na mga pag-atake umano ng NPA sa mga tropa ng pamahalaan sa mga lalawigan.
Samantala, muli namang hinimok ni Duterte ang mga rebelde na ibaba ang kanilang mga armas at sumuko na lamang sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.