Online bidding process sinimulan na sa mga proyekto ng DOTr
Ipatutupad na ng Department of Transportation (DOTr) Ng automated procurement process para sa lahat ng mga bidding sa mga proyekto sa kagawaran.
Ipinaliwanag ni DOTr Sec. Arthur Tugade na layunin nitong maging transparent at maiwasan ang palakasan sa pagkuha ng mga proyekto sa kanilang tanggapan.
Mas magiging mabilis na rin ayon sa opisyal ang lahat ng proseso lalo na sa bidding para sa mga proyekto ng DOTr.
Pero nakasaad sa DOTr Order number 2017-017 na sakop lang nito ang mga bagong proyekto at hindi ang mga negotiated contract na dadaan pa rin sa manual process.
Ipinaliwanag pa ni Tugade na gagawa ng isang official email account ang Bids and Awards Committee para doon idaan ang lahat ng mga transaksyon na may kaugnayan sa kanilang mga bagong proyekto.
Lahat ng mga negosasyon, kontrata, mga dokumento pati ang mga notices ay dadaan sa automated process ng DOTr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.