Sen. Poe, walang balak na batikusin ang PNoy Administration

 

Tiniyak ni Senadora Grace Poe kay Pangulong Benigno Aquino III na hindi siya nito aatakehin upang isulong ang kanyang kandiddatura sa panahon ng kampanya para sa 2016 elections.

Ito ayon kay Pangulo ang bahagi ng mahabang text message na ipinadala sa kanya ni senador Poe nang ipa-alam sa kanya ang pasya nitong kumandidato bilang presidente sa susunod na taon.

Ayos lang naman, ayon sa Pangulo ang kanyang naging tugon sa senadora na batikusin kung kinakailangan pero dapat ito ay nasa tamang konteksto, pamamaraan at nakabase sa katotohanan.

Samantala, nagpasalamat si Pangulo sa senadora dahil binigyan siya nito ng kredito sa kampanya laban sa mga tiwali sa pamahalaan.

Wala naman siyang nakikitang dahilan para magalit sa pagsasarili ni Poe lalo na kung itutuloy o hihigitan pa nito ang nagawa niya sa tuwid na daan.

Tiwala naman ang Pangulo na sinuman kina Roxas o Poe ang mas magpapakitang gilas ay siyang papanigan ng mga botante.

Dagdag pa nito Aquino, ang importante sa kanya ay hindi maging intermission ang kanyang termino at bumalik sa dati ang bansa pagbaba niya sa puwesto.

 

 

Read more...