Bangkay ni dating Pangulong Marcos iginiit na ilipat sa ibang libingan

By Den Macaranas November 18, 2017 - 10:51 AM

Inquirer photo

Kasabay ng unang taon ng Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani ay muling binuhay ang panawagang hukayin ang libingan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ng grupong #BlockMarcos na isan malaking kalokohan ang paglalagak ng mga labi ng dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Kanila na umanong idineklara ang November 18 bilang araw ng pagkagalit sa pagbibigay kay Marcos ng isang hero’s burial.

Malinaw rin umanong nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang mahistrado ng Mataas na Hukuman para gawing legal ang paglilibing kay Marcos sa nasabing libingan.

Magugunitang bilang dating pangulo ng bansa at isang beterano ng World War II kaya marapat lamang na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos ayon sa mga naunang pahayag ni Duterte.

Wala namang inilabas na pahayag ang pamilya Marcos hingil sa anibersaryo ng paglilibing sa dating pangulo.

TAGS: Ferdinand Marcos, libingan ng mga bayani, Marcos burial, Ferdinand Marcos, libingan ng mga bayani, Marcos burial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.