Sinalakay ng mga tauhan ng Joint Task Force Zampelan (Zamboanga Peninsula Lanao) ng Western Mindanao Command ang isang imbakan ng armas sa Lanao del Sur.
Ang mga armas ay pinaniniwalaan pag-aari ng mga supporter ng Maute Group na natagpuan sa isang hukay sa Barangay Torogan bayan ng Maguing.
Aksidenteng nadiskubre ang taguan ng armas nang magkasa ng operasyon ang pulisya laban sa isang Alex Yungco na itinuturong drug lord at Maute sympathizer.
Natagpuan sa hukay ang dalawang M60 machine gun, tatlong M16 rifles at dalawang M203 grenade launchers.
Kaugnay nito, nagbabala si TF Commander Brigadier General Roseller Murillo na patuloy nilang tutugisin ang sinumang indibidwal at grupo na sangkot sa iligal na gawain at sumusuporta sa mga teroristang grupo.
Noong Linggo, November 12 ay naka-recover din ang pwersa ng pamahalaan ng nasa 30 matataas na kalibreng armas na naiwan ng Maute Group sa Lake Lanao sa Marawi City.