Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang katimugang bahagi ng China malapit sa Indian border.
Sinabi ng United States Geological Survey na ang pagyanig ay nasa 10 kilometro ang lalim na naramdaman alas-6:34 ng umaga ng Sabado.
Ang epicenter ng lindol ay nasa 240 km mula sa bayan ng Along, Pasighat at Tezu na nasa Tibetan Plateau ng Southern China.
Unang napaulat ang lindol na may lakas na 6.7 bago ito ibaba sa 6.3.
Wala pa namang ulat kung may napinsala sa nasabing pagyanig.
Magkagayunman ay kaagad na pinalabas sa mga bahay at gusali ang ilang mga residente sa mga niyanig na lugar dahil sa inaasan pang mga aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.