15-anyos na binatilyo patay sa pang-eensayo sa boxing

By Den Macaranas November 18, 2017 - 09:23 AM

Patay ang isang 15-anyos na binatilyo makaraang sumalang sa isang boxing sparring session sa San Andres sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa paunang imbestigasyon ng San Andres PNP Station, nag-spar umano sa boxing bilang paghahanda sa pista sa kanilang bayan sina Vincent Rodriguez at ang biktimang si Jake Sorilla.

Napag-alaman rin na magkaklase ang dalawa at parehong Grade 8 pupils sa San Andres Vocational School.

Makaraan ang ilang minutong suntukan ay bigla na lamang umanong nawalan ng malay si Sorilla kaya kaagad siyang isinugod sa ospital.

Pagdating sa pagamutan ay idineklarang patay ang 15-anyos na biktima.

Sinabi ng mga kaanak ni Sorilla na gusto nilang paimbestigahan ang pangyayari upang alamin kung bakit pinayagang sumailalim sa sparring session ang nasabing mga menor-de-edad.

TAGS: Boxing, doa, san andres catanduanes, sparring, Boxing, doa, san andres catanduanes, sparring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.