Roque: Mas gusto ko na maging “best spokesman”

Inquirer photo

Target ni Presidential Spokesman Harry Roque na maging “best spokesman” para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito umano ang dahilan kung kaya wala pa sa kanyang isipan ang pagtakbo bilang senador sa 2019 midterm elections.

Aminado rin ang kalihim na wala siyang pondo na gagamitin para sa isang nationwide campaign.

Sa ngayon ay mas gusto umano niyang mag-concentrate sa kanyang trabaho para maiparating ng maayos sa publiko ang mga mensahe ng pangulo.

Kahapon ay inanunsyo ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kasama si Roque at Communications Asec. Mocha Uson sa senatorial slate ng PDP-Laban sa susunod na halalan.

Sa panayam ay sinabi ni Mocha na siya ay nabigla sa nasabing anunsyo at hindi pa rin umano siya handa sa pagtakbo sa Senado.

Read more...