War crimes sa Marawi City iimbestigahan ng AFP

By Den Macaranas November 18, 2017 - 08:39 AM

Inquirer photo

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines na imbestigahan ang war crimes kung meron mang sangkot dito na tauhan ng militar kaugnay sa naganap na bakbakan sa Marawi City.

Sinabi ni AFP Spokesman Maj. Gen. Restituto Padilla na hindi pagtatakpan ng militar kung may pagkakamali ang kanilang mga tauhan.

Reaksyon ito ng opisyal sa naging pahayag ng Amnesty International kung saan ay mayroon umano silang mga naka-usap na mga sibilyan na naging biktima ng torture ng mga tauhan ng AFP.

Pinilit umano ang ilan sa mga ito na umamin na kasapi sila ng Maute group makaraan mahuli ng mga sundalo habang tumatakas sa war zone.

Kabilang umano sa dinanas ng kanilang mga naidokumentong reklamo ay ang pambubugbog, pamamalo ng baril at pagtali sa kanilang mga kamay at paa.

Nauna na ring sinabi ng Amnesty International sa kanilang ulat na naidokumento rin nila ang ilang mga pagpatay sa pamamagitan ng pagbaril at paglaslas sa leeg ng ilang mga Kristiyano na umano’y kagagawan ng mga kasapi ng Maute group.

TAGS: AFP, amnesty international, marawi, Maute, Padilla, war crimes, AFP, amnesty international, marawi, Maute, Padilla, war crimes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.