AFP: Martial Law sa Mindanao, posibleng palawigin pa

Kuha ni Erwin Aguilon

Maaaring ikonsidera pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapalawig sa Martial Law sa Mindanao.

Ito ay sa kabila ng pagdedeklara ng kalayaan ng Marawi kasunod ng pagkakapatay sa dalawang lider ng Islamic State-inspired Maute Terror Group.

Ayon kay AFP Spokesman Maj. Gene. Restituto Padilla, patuloy pa ring nagsasagawa ng operasyon laban sa iba pang mga grupo ng local terrorists sa rehiyon.

Ayon kay Padilla, sisikapin pa rin ng militar na matugunan at ibalik sa normal ang sitwasyon sa Mindanao bago matapos ang taon dahil ito ang deadline na ibinigay sa kanila.

Iginiit din ng opisyal na patuloy pa rin ang mga awtoridad sa pagsasagawa ng clearing operations upang maibalik ang Marawi City sa anya’y “road to normalcy.”

Sakaling matiyak na ligtas na ang Marawi ay posible anyang irekomenda na ng militar ang pag-aalis sa Martial Law lalo pa at pinayagan na ang mga residenteng makabalik na sa kanilang mga tahanan.

Read more...