Nakalaya na ang humigit kumulang na 200 detenido ng Quezon City Jail.
Ito ay matapos magsagawa ng “mass promulgation” at “marathon hearing” para sa mga detenido na kinasuhan dahil lang sa mga ‘petty crimes’ ngunit matagal nang nakakulong.
Ang matagal na pagkakakulong ng mga detenido ay bunsod ng mabagal na pag-usad ng pagdinig sa kanilang mga kaso.
Ang programa ay isinagawa upang mapaluwag ang mga kulungan na napagkasunduan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Department of Justice (DOJ).
Nabatid na bago magtapos ang taon, target ng BJMP na makapagpalaya ng hindi bababa sa 800 detenido sa nabanggit na piitan.
Ang disenyo ng Quezon City Jail ay para lang sa halos 700 detenido ngunit sa ngayon ay hindi bababa sa 3400 ang nakakulong dito.