P4.4B, inilaan para sa bonus ng mga PNP personnel

By Rhommel Balasbas November 18, 2017 - 04:54 AM

Naglaan ang Philippine National Police (PNP) ng aabot sa mahigit 4.4 bilyong pisong pondo para sa year-end bonus ng 191,480 aktibong nakaunipomre at hindi naka-unipormeng mga kawani nito.

Ang year-end bonus ng mga PNP personnel ay katumbas ng isang buwan nilang sahod na hindi papatawan ng buwis habang may karagdagang 5,000 pisong cash gift naman ang ibinigay mula sa national government.

Ang naturang bonus ay matatanggap ng mga kawani sa pamamagitan ng kanilang payroll accounts sa Land Bank of the Philippines.

Ang mga pulis naman na may nakabinbing na mga kasong administratibo at kriminal ay hindi muna makatatanggap ng year-end bonus at iba pang insentibo bilang bahagi ng disciplinary policy ng PNP.

Nauna na ngang sinabi ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na lahat ng kwalipikadong kawani ng pamahalaan ay makatatanggap na ng kanilang year-end bonus mula November 15.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.