Ngunit agad nilinaw ni Dela Rosa na wala siyang nais pakahulugan sa kanyang pahayag.
Wala naman datos na naipakita ang hepe ng pambansang pulisya para suportahan ang pahayag niyang ito.
Ipinaliwanag naman niya na ang mga wanted persons kasama na ang mga rapists ay nagtago nang ipatupad nila ang kampanya kontra droga at ngayong wala na sila sa eksena ay nagsulputan na muli ang mga ito.
Nabanggit ni Dela Rosa ang kaso ng 22-anyos na bank employee na ginahasa, pinatay at sinunog sa isang parking compound ng bus sa Pasig.
Anya, walang tao na nasa katinuan ang manggagahasa, papatay at manununog sa isang babae kung hindi ito lulong sa droga.
Dagdag pa ng hepe ng PNP, wala nang sensationalized rape cases ang naitala simula nang ikasa ng PNP ang Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel maliban sa panggagahasa at pagpatay sa isang 5-taong gulang na bata sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Hulyo.
Samantala, sinabi pa ni Dela Rosa na hihintayin na lang niya ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kung muling pangungunahan ng PNP ang war on drugs.