Posibilidad ng pananabotahe sa MRT-3, iimbestigahan ng NBI

By Kabie Aenlle November 18, 2017 - 04:39 AM

Papasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon tungkol sa posibilidad ng umano’y pananabotahe sa operasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Matatandaang noong Huwebes, kumalas ang dulong bagon ng tren ng MRT at naiwan sa riles sa gitna ng mga istasyon ng Ayala at Buendia.

Dahil dito napilitan ang mga pasaherong naiwan sa bagon na mag-lakad na lamang papunta sa pinakamalapit na istasyon.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, humingi na sila ng tulong sa NBI para magsagawa ng imbestigasyon.

Samantala, sa kabila ng mga panawagan na itigil muna ang operasyon ng MRT para makumpuni ang lahat ng mga sira, tiniyak ng operations director nito na si Michael Capati na ligtas pa ring sakyan ang mga tren nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.