Pagpapagawa ng “super jail,” hindi na itutuloy

By Alvin Barcelona November 18, 2017 - 04:28 AM

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na ibinasura na ng duterte administration ang pagpapagawa ng “super jail” sa Nueva Ecija.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, nagpasya ang pamahalaan na huwag nang ituloy ang nasabing proyekto dahil sa napakalaking budget na kailangan para dito na tinatayang magkahalaga ng P50 bilyon.

Bukod dito, ikinunsidera rin nila ang abala na idudulot nito sa mga kamag-anak ng mga preso na malayo dito tulad ng mga taga Visayas at Mindanao.

Sa halip, magpagawa na lamang sila ng mga bagong pasilidad sa Nueva Ecija at isa pa sa Luzon na posibleng itayo sa Ilocos o Pangasinan.

Magpapatayo naman sila ng mga bagong gusali sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa, Correctional Institution for Women gayundin sa mga pasilidad na pinamamahalaan ng Bureau of Correction sa Mindoro, Leyte, Davao, Palawan at Zamboanga.

Ayon kay Aguirre, mas makakamura dito ang gobyerno dahil magkakahalaga lamang ng hanggang P600 milyon ang mga gusali na itatayo sa bawat penitentiary at hindi aabot sa P20 bilyon sa kabuuan.

Sinabi ni Aguirre na gagastusin sa proyekto ang P2.2 bilyong budget na isiningit sa kanilang pondo ng Kongreso.

Inaasahang uumpisahan ang pagpapatayo ng mga bagong gusali sa 2018 at posibleng matapos sa loob ng isa hanggang dalawang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.