Sa pinakahuling advisory ng PAG-ASA, namataan ang bagyo sa layong 155 kilometers Kanluran Hilagang Kanluran ng Puerto Princesa, Palawan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.
Patuloy na kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran Hilagang Kanluran sa sa bilis na 28 kilometro kada oras.
Wala nang nakataas na Tropical Warning Signals sa lalawigan ng Palawan ngunit inaasahan pa rin ang mahina hanggang sa katamtaman pag-ulan at paminsan-minsan ay malalakas na hangin.
Pinapayuhan din ng PAG-ASA ang mga mangingisda sa mga karagatan ng Palawan na iwasan munang pumalaot.
Sakaling mapanatili ng bagyo ang bilis nito ay inaasahang makalalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility ngayong umaga ng Sabado.