Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Planning Jojo Garcia, hangad nila na maging matagumpay si Lopez.
Base sa post ni Lopez, ibinahagi niyang nakakuha siya ng maraming offers matapos niyang labagin ang batas trapiko noong kasagsagan ng 31st ASEAN sa bansa.
Meron aniya siyang natanggap na imbitasyon para sa TV guestings, bagong soap at dalawang bagong pelikula sa susunod na taon.
Kasalukuyang pinag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) ang parusang ipapataw kay Lopez.
Dagdag pa ni Garcia, papatawan din ng kaparusahan ang mga motristang sumunod kay Lopez ng dumaan sa ASEAN lane.
Una nang nagrekomenda ang MMDA na kanselahin ang lisensya ni Lopez dahil sa reckless driving, pagbalewala sa mga traffic signs at paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.