Naglandfall na sa Palawan ang Bagyong Tino at nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 sa buong lalawigan.
Sa update ng PAGASA, aabot ang dalang hangin ng bagyo sa 55 kph malapit sa gitna habang may pagbugso itong nasa 90 kph.
Kumikilos ito sa direksyong Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 28 kph.
Inaasahan na nasa katamtaman hanggang sa mabigat na pag-ulan ang mararanasan sa loob ng 200 km diameter ng bagyo.
Inaabisuhan ang mga residente sa Palawan na mag-ingat sa posibleng pagbaha at mga landslide habang nasa mahina at katamtaman na pag-ulan ang inaasahan sa buong Visayas, Bicol region at sa mga probinsiya ng Mindoro, Marinduque at Romblon.
Inaasahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Tino bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.