Mocha Uson, sasabak sa pagka-senador kung patatakbuhin siya ni PRRD

 

Kapwa nagulat sina PCOO Assistant Secretary Mocha Uson at Presidential Spokesman Harry Roque sa anunsyong kasama sila sa senatorial ticket ng PDP-Laban para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Uson, wala siya kahit anong political intention.

Hindi rin daw niya alam na inanunsyo ni House Speaker Panteleon Alvarez na siya’y tatakbo sa pagka-senador.

Nilinaw ni Uson na hindi pa siya nanunumpa bilang miyembro ng PDP-Laban, na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa halip ay naimbitahan lamamg sa oath taking sa Cebu City.

Gayunman, inamin ni Uson na maaari siyang kumandidato kung patatakbuhin siya ng presidente.

Sa panig naman ni Roque, sinabi nitong na bagama’t “thankful” siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Alvarez, mas nais umano niyang tumutok sa bagong trabaho bilang tagapagsalita ng Malakanyang.

Higit sa lahat, sinabi ni Roque na wala raw siyang malaking halaga ng pera para sa Senatorial bid.

Sa pahayag naman ni Alvarez, sinabi nito na matalino si Roque habang may mabuting kalooban si Uson para sa mga Pilipino.

 

Read more...