Mocha Uson at Harry Roque, pasok sa senatorial slate ng PDP-Laban para sa 2019 midterm polls
Inanunsyo na ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan pang mga personalidad na kabilang sa kanilang isasabak sa 2019 senatorial elections.
Sa oath taking na naganap sa Cebu City, isinapubliko ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kasama sa senatorial ticket ng PDP-Laban sina PCOO Assistant secretary Mocha Uson at Presidential Spokesperson Harry Roque.
Maliban sa dalawa, pasok din sa senatorial slate ng partido ni Duterte sina Davao City Rep. Karlo Nograles, Negros Occidental Rep. Albee Benitez, Bataan Rep. Geraldine Roman at dating MMDA chairman Francis Tolentino.
Nauna nang inanunsyo ng PDP-Laban na kandidato nila sa pagka-senador sina Senate President Aquilino Pimentel III at House Majority Leader Rodolfo Fariñas.
Patuloy na nababalot sa kontrobersiya si Uson, na kilalang sexy-performer at blogger bago mapwesto sa PCOO.
Si Roque naman ay bago pa lamang sa pagiging Presidential spokesman, kapalit ni Ernesto Abella.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.