3 hinihinalang miyembro ng ASG na nagtangkang manggulo sa 31st ASEAN summit, arestado

By Cyrille Cupino, Isa Avendaño-Umali November 17, 2017 - 12:00 PM

 

 

Kuha ni Cyrille Cupino

Arestado ang tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group dahil sa tangkang pag-atake sa 31st ASEAN Summit.

Iprinisenta ni Philippine National Police o PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa media ang tatlong suspek na sina Abdul Gaffar Jikiri, alyas Abu Bakar Jikiri at 19-anyos; Alim Sabtalin, 19-anyos; at Sadam Jhofar, 24-anyos na pawang mga taga-Tuburan, Basilan.

Ayon kay dela Rosa, ang tatlo ay naaresto noong November 10 sa Salaam compound sa Culiat, Quezon City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang samu’t saring kontrabando gaya ng mga armas, live ammunition, rifle grenades at mga cellphone.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng mga otoridad, plano ni Jikiri na maglunsad ng terror attack sa Metro Manila.

Namonitor ito ng intelligence agents sa pamamagitan ng Facebook accounts ng mga suspect kung saan makikita ang kanilang mga litrato na may mga dalang high-powered firearms at improvised explosive devices.

May caption pa ang litrato na kanilang papatayin ang mga hindi naniniwala sa Islam.

Nagpost rin si Jikiri ng litrato ng kanilang mga posibleng target, kabilang ang isang mall at public park.

Gayunman, sinabi ni dela Rosa na ayaw kumpirmahin ng tatlo ang umano’y planong pag-atake sa ASEAN Summit.

Matatandaan na dumating sa Pilipinas ang mga matataas na lider ng iba’t ibang bansa tulad nina U.S. President Donald Trump, Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang chairman ng 31st ASEAN, na matagumpay na nairaos at ngayo’y naipasa na sa Singapore bilang bagong host country.

 

 

 

 

TAGS: #ASEAN2017, abu sayyaf group, #ASEAN2017, abu sayyaf group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.