SAF ang nakapatay sa teroristang si Marwan – PNoy

By Alvin Barcelona, Jay Dones September 17, 2015 - 03:47 PM

 

marwan-dead-liteMga tauhan ng Special Action Force ang nakapatay sa teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Ito ang inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagharap nito sa mga mamamahayag sa gitna ng paglutang ng mga alegasyon na hindi ang SAF Commandos kung hindi mismong ‘aide’ ng terorista ang nakapatay dito noong buwan ng Enero.

Giit ni PNoy, walang basehan ang sinasabing alternative truth.

Ipinakita rin ni Pangulong Aquino sa kanyang talumpati ang mga larawan nang mapatay si Marwan na makapagpapatunay aniya na ang SAF lamang ang nasa lugar at siyang pumutol sa daliri ng dayuhang terorista na ginamit upang maberipika ang pagkakakilanlan nito.

Wala rin aniyang indikasyon na peke ang mga naturang litrato kaya’t walang dahilan upang kuwestiyunin pa ang mga ito.

“Pero maliwanag naman po sa presentasyon natin ngayon: SAF ang nandoon; imposibleng pagdudahan pa na SAF ang kumuha ng daliri ni Marwan. Ibig sabihin din po: Lahat ng iba pang salaysay ukol sa sinasabing alternatibong naratibo ay wala nang basehan, at wala na ring saysay,” giit ng Pangulo.

Naniniwala rin si Pangulong Aquino na may kinalaman ang limang milyong dolyar na pabuya na nakapatong sa ulo ng terorista sa pagpapalutang ng sinasabing alternative truth na ito. Inihayag din ng Pangulo na nasa 90 mga sangkot din sa pagpatay sa SAF 44 ang nakatakdang kasuhan dahil sa pagpatay sa mga kasapi ng SAF 44.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.