Bagyong Tino, nagdadala ng malakas na pag-ulan sa Palawan at kalapit na lugar

Naging ganap na bagyo na ang low pressure area o LPA na namataan sa bahagi ng Puerto Prinsesa City, Palawan.

Sa 11AM update ng PAGASA, ang local name ng bagyo ay “Tino.”

Inaasahan na magla-landfall ito sa Southern Palawan mamayang alas-kwatro ng hapon hanggang alas-sais ng gabi.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente sa MIMAROPA, Bicol region, Eastern Visayas, Caraga at Panay Island Luzon na maging alerto at mag-ingat sa malakas na ulan at posileng pagbaha at landslides.

Ayon sa PAGASA, nakataas na ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Palawan.

Bunsod nito, hangga’t maaari ay iwasan nang pumalaot o bumiyahe sa karagatan.

Inaasahan naman na lalabas sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo Sabado ng umaga.

Samantala, nakaranas ng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila tulad sa lungsod ng Maynila at Quezon City.

 

Read more...