MRT, nagka-aberya na naman

By Isa Avendaño-Umali November 17, 2017 - 10:59 AM

 

Nagka-aberya ang Metro Rail Transit of MRT3 kaninang umaga.

Sa abiso ng Department of Transportation-MRT, kaninang 9:04 ng umaga sa Santolan station southbound ay may technical problem ang tren kaya naman pinababa ang mga pasahero.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT sa panibagong abala.

Ayon kay Transporation Undersecretary Cesar Chavez, patuloy na inaayos ng MRT3 ang kanilang serbisyo sa mga mananakay.

Ito’y bunsod na rin ng halos sunud-sunod na insidente sa MRT3, na ang pinakahuli ay ang pagkalas ng isang bagon.

Iniimbestigahan pa umano nila ito, pero makatitiyak aniya ang riding public na reliable o maaasahan pa rin ang MRT3, lalo na para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.

 

 

TAGS: mrt3, mrt3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.