MMDA, nagsagawa ng dry-run sa mas mahigpit na implementasyon ng motorcycle lane

By Cyrille Cupino November 17, 2017 - 10:29 AM

 

Kuha ni Cyrille Cupino

Nagsagawa ng dry run ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa muling implementasyon ng motorcycle lane sa kahabaan ng EDSA at ilan pang mga pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila.

Paliwanag ni Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, matagal nang ipinatutupad ang motorcycle lane, pero sa mga nakaraang buwan, bumababa ang bilang ng mga nahuling lumalabag dito.

Ayon kay Pialago, isinagawa ng MMDA ang dry run upang muling paalalahanan ang mga rider na gamitin ang motorcycle lane, at mas mahigpit na sumunod dito.

Simula sa Lunes (November 20), kasado na ang panghuhuli sa mga hindi sumusunod sa motorcycle lane, at papatawan sila ng limang daang pisong multa.

Paalala pa ng MMDA, no-contact policy pa rin ang ipinatutupad nila, at maaaring tiketan ang mga motorista kahit sa pamamagitan lamang ng CCTV.

Hindi lamang daw sa paggamit ng motorcycle lane ang maaring violation ng riders, posible ring mahuli ang mga walang helmet at hindi tama ang attire kapag nagmamaneho.

Ani Pialago, dapat naka-suot ng pantalon o jogging pants ang driver, bawal ang naka-shorts, at dapat sarado ang sapatos at hindi pwede ang naka-tsinelas lang.

Sa datos, umaabot sa sampung libong motorista ang nahuhuli ng MMDA na lumalabag sa batas trapiko kada buwan.

 

 

 

 

TAGS: mmda, motorcycle lane, mmda, motorcycle lane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.