Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Visayas

 

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang mga probinsya sa Visayas na nakaararanas ng pag-ulan dahil sa Low Pressure Area.

Sa abiso ng PAGASA na inisyu kaninang 8:08 ng umaga, ang yellow warning ay umiiral sa Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte.

Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar ay pinapayuhan na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.

Pinapayuhan din silang magmonitor sa mga susunod na rainfall advisory na ilalabas ng PAGASA.

Una nang sinabi ng weather bureau na may LPA sa Visayas at Mindanao, at posibleng maging tropical depression na tatawaging “Tino.”

 

 

Read more...