Notoryus na miyembro ng Akyat Bahay Gang, timbog sa Cubao, Quezon City
Timbog ang isang lalaking sakit na ng ulo ng mga elemento ng Quezon City Police Station 7 sa Cubao dahil sa halos regular nitong pagnanakaw sa sa lugar.
Kinilala ang suspek na si Jerry Molina alyas Untong, dalawampu’t pitong taong gulang.
Hindi naman na itinanggi ni Molina ang panloloob sa mga bahay ngunit aniya, ginawa lamang niya ito dahil nagigipit siya.
Giit pa ng suspek, nagbagong buhay na siya simula nang makalaya sa Bilibid noong Disyembre ng nakaraang taon.
Sa katunayan aniya ay nagtatrabaho siya sa isa palayan sa Bulacan.
Samantala, ayon naman kay Police Inspector Elmer Rabano ng QCPD Station 7, maka-ilang beses nang naglabas-masok si Molina sa kanilang himpilan dahil pa rin sa mga kaso ng panloloob sa mga bahay.
Aniya, mismong ang mga nabiktima ni Molina ang nagturo sa kanya.
Ayon pa kay Rabano, posibleng nanghoholdap din ang suspek.
Hinimok naman ni Rabano ang iba pang mga nabiktima ni Molina na magtungo sa kanilang himpilan para magreklamo, upang masiguradong mahihirapan na muling makalabas pa ng kulungan ang suspek at hindi na makapambiktima pa. / Justine P.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.