Pansamantalang isinara ang Keystone Pipeline makaraang magkaroon ng oil spill sa South Dakota.
Ayon sa ulat, ang leak sa Keystone Pipeline ay nasa agricultural area ng Marshall County.
Tinatayang nasa limang libong bariles o 210,000 galong langis ang tumagas, kaya naman agad na rumesponde ang mga otoridad.
Sa kasalukuyan, wala pang report na nakaabot na ang oil spill sa anumang waterways o water systems.
Pero activated na ang isang emergency response plan upang sa lalong madaling panahon ay makapagdeploy ng mga karagdagang staff at contractor na maglilinis sa site.
Ang Keystone Pipeline, na nagdadala ng crude oil mula sa tar sands ng Canada patungong American refineries, ay naging kontrobersyal matapos suspendehin noong administrasyon ni dating U.S. President Barack Obama dahil sa oposisyon ng iba’t ibang mga environmental groups.
Ngunit nang maupo na sa White House si U.S. President Donald Trump, pinahintulutan ang kunstruksyon ng parehong Keystone at Dakota Access pipelines. / Isa