Namataang LPA, tatawaging “Tino” kapag naging ganap na bagyo
Isang low pressure area ang nasa bisinidad ng Motong, Zamboanga del Norte.
Ayon sa PAGASA, ang naturang LPA ay may posibilidad na maging isang tropical depression anumang oras ngayong araw.
Kapag naging ganap itong bagyo, tatawagin itong “Tino.”
Makararanas ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Visayas at Palawan.
Magiging maulap din ang kalangitan at mayroon ding pag-ulan sa Bicol region, rest of Mindanao and the provinces of Mindoro, Marinduque at Romblon.
Sa bahagi ng Northern Luzon, patuloy na makaka-apekto sa panahon ang hanging Amihan, habang sa Metro Manila, magiging “generally fair” ang panahon pero maaaring may isolated rain showers pa rin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.