16 patay sa pananalasa ng “Medicane” sa Greece

By Rhommel Balasbas November 17, 2017 - 03:52 AM

 

File photo

Pumalo na sa 16 ang bilang ng nasawi habang tinatayang mahigit 20 naman ang nasaktan sa pananalasa ng “Medicane” sa Greece.

Ang “Medicane” o Mediterranean Hurricanes ay isang bihirang “meteorological phenomena” na nabubuo sa Mediterranean Sea.

Maraming residente ang na-trap sa kanilang mga tahanan partikular sa bayan ng Mandra kung saan umaabot sa tatlong talampakan ang baha sa loob ng kanilang mga bahay.

Pinutol na rin ang linya ng kuryente at tubig ayon kay Mandra Mayor Yianna Krikouri.

Isinailalim na ang West Attica region ng bansa na kinabibilangan ng Mandra sa ‘State of Emergency’.

Ilang bahagi ng mga national highway ang nasira at maraming pangunahing kalsada ang hindi madaanan.

Daan-daang tahanan at business establishments na rin ang nagtala ng damages.

Idineklara na ni Greek Prime Minister ang tatlong araw na “National day of Mourning” bilang paggunita sa mga nasawi sa trahedya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.