Pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters, nangunguna sa Facebook ‘likes’

By Rhommel Balasbas November 17, 2017 - 01:40 AM

 

FB/Miss Universe

Patok na patok ang pambato ng Pilipinas sa 66th Miss Universe na si Rachel Peters.

Ito ay matapos manguna ang kandidata sa Facebook likes ng official FB page ng itnuturing na largest pageant sa mundo.

Sa kasalukuyan ay nagtala na si Peters ng 268, 000 reactions sa kanyang official photo.

Mas mataas ito ng halos 100,000 sa sumusunod sa kanyang si Maria Poonlertlarp ng Thailand na may 173, 000 reactions.

Samantala, kinumpirma na rin ng pageant organizers na magbabalik Miss Universe din si Pia Wurtzbach bilang isang hurado.

Kinumpirma ito ng mga prganizers sa pamamagitan ng social media.

Sasamahan si Wurtzbach bilang mga hurado nina host and presenter na si Megan Olivi, TV personality na si Ross Mathews, TV host na si Jay Manuel, sikat na Venezuelan-American YouTube star na si Lele Pons at ang Miss Universe 1998 na si Wendy Fitzwilliam.

Samantala, magbabalik din si Steve Harvey bilang host na sasamahan ni Ashley Graham.

Magaganap ang coronation ng pageant sa November 26, sa Las Vegas, USA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.