Opsyon na tigil-operasyon ng MRT, matagal nang ikinukonsidera ng DOTr-Chavez

By Jay Dones November 17, 2017 - 03:35 AM

 

Inisip na rin noon pa man ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na ipahinto ang operasyon ng Metro Rail Transit o MRT.

Ito ang ibinunyag ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez matapos ang paghulagpos ng isang bagon ng MRT sa mismong tren na bumibyahe kahapon sa pagitan ng Ayala at Buendia station.

Ayon kay Chavez, noon pa mang unang bahagi ng taong 2017, ikinukonsidera na ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ipatigil ang MRT dahil sa dami ng aberyang nangyayari-araw araw.

Hanggang ngayon aniya, bahagi pa rin ng mga diskusyon ang opsyon na ipahinto muna ang operasyon ng MRT.

Gayunman, iniisip aniya ng Kalihim ang kapakanan ng nasa kalahating milyong mananakay ng MRT na maaapektuhan kung sakaling i-shutdown muna ang operasyon nito.

Sa ngayon aniya, mananatiling tuluy-tuloy ang operasyon ng MRT hanggang nakatitiyak pa ang Kagawaran na ligtas pa itong sakyan ng mga pasahero.

Kahapon, inirekomenda ni Senador Grace Poe ang opsyon na magsagawa muna ng shutdown sa MRT dahil sa mga problemang araw-araw na nararanasan ng mga pasahero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.