Paliwanag ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez,
ang Messma o ‘black box’ ang magsisilbi sanang susi upang malaman ang dahilan kung bakit humulagpos ang coach ng tren sa main body nito habang ito’y umaandar.
Ayon naman kay Michael Capati, director for operations ng MRT, kanilang sinisilip rin kung posibleng may ‘human intervention’ kung bakit nangyari ang insidente.
Sa ngayon aniya, kanilang patuloy na hinihimay pa ang mga detalye upang matukoy ang pinagmulan ng train detachment.
Matatandaang kahapon, biglang humulagpos ang isang bagon ng MRT na bumibyahe sa pagitan ng Ayala at Buendia station at nai-stranded ito sa gitna ng riles.
Dahil dito, napilitang maglakad sa riles ang nasa 130 pasahero ng na-stranded na bagon.