‘Black box’ ng kumalas na MRT, nawawala ayon sa DOTr

By Jay Dones November 17, 2017 - 03:03 AM

 

Iniimbestigahan na ng Department of Transportation ang pagkawala ng Messma o ang train data recorder ng nagkaaberyang tren ng MRT kahapon.

Paliwanag ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez,
ang Messma o ‘black box’ ang magsisilbi sanang susi upang malaman ang dahilan kung bakit humulagpos ang coach ng tren sa main body nito habang ito’y umaandar.

Ayon naman kay Michael Capati, director for operations ng MRT, kanilang sinisilip rin kung posibleng may ‘human intervention’ kung bakit nangyari ang insidente.

Sa ngayon aniya, kanilang patuloy na hinihimay pa ang mga detalye upang matukoy ang pinagmulan ng train detachment.

Matatandaang kahapon, biglang humulagpos ang isang bagon ng MRT na bumibyahe sa pagitan ng Ayala at Buendia station at nai-stranded ito sa gitna ng riles.

Dahil dito, napilitang maglakad sa riles ang nasa 130 pasahero ng na-stranded na bagon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.