Operasyon ng Angkas, ititigil na mula bukas

By Kabie Aenlle November 17, 2017 - 01:51 AM

 

Inanunsyo ng motorcycle-hailing app na Angkas na opisyal na nilang susupindehin ang kanilang operasyon simula bukas, November 18 araw ng Sabado.

Ito’y ilang linggo matapos ipagutos ng Makati City Mayor’s Office na ipasara ang Angkas dahil sa pagpapatakbo ng kanilang operasyon nang walang business permit.

Lumiham sina Angeline Tham at David Medrana ng Angkas sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ipaalam hindi lang sa board kundi pati na rin sa publiko ang pagsisimula ng suspensyon ng kanilang operasyon sa Metro Manila.

Ayon kina Tham at Medrana, ginagamit na lang nila ang mga nalalabi nilang panahon para makipagusap sa kanilang mga partners upang matalakay kung paano nila matutulungan ang mga ito.

Humingi rin sila ng paumanhin sa LTFRB at sa publiko sa aberyang kanilang naidulot, pero sinabing bukas naman silang tanggapin at sundin ang regulasyon ng gobyerno para sa bagong paraan ng transportasyon tulad ng kanilang iniaalok.

Inamin naman nila na sa katunayan ay hindi talaga nila alamkung saang ahensya sila dapat makipag-ugnayan tungkol dito.

Nais lang anila na maialok sa mga tao ang pagsakay sa mga motorsiklo na parang taxi, sa propesyonal at ligtas na paraan.

Paliwanag pa nila, binibigyan nila ng safety at customer service training ang kanilang mga bikers at sakop ng personal accident insurance ang kanilang mga drivers at pasahero.

Nagsasagawa din sila ng background checks at assessment exams ang kanilang mga driver.

Umaasa naman ang Angkas na makapulong nila ang LTFRB upang mas maipaliwanag nila ang tunkol sa kanilang serbisyo, at para na rin mas maunawaan nila ang mga plano ng LTFRB para sa modernization and regulation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.