Sa isang press conference, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na mayroon pang dagdag na apatnaput pitong paaralan na kailangan ding mabigyan ng major repairs.
Patuloy pa aniya ang pakikipagnegosasyon ng ahensiya sa Kamara kaugnay sa nabanggit na pondo dahil hindi ito kabilang sa nakalaang pondo sa ahensiya.
Sa ngayon, may kabuuang pondo na 109.31 billion pesos ang ahensiya para sa kanilang Basic Education Facilities Fund.
Sakop ng DepEd ang pagsasaayos ng mga sira sa eskuwelahan at kuryente, at pagbili ng mga furniture.
Samantala, nagtatayo na rin ang DepEd ng temporary learning space para makabalik sa pag-aaral ang mga estudyante sa naturang lungsod.