2-bilyon, kailangan ng DepEd para sa mga paaralang nasira sa Marawi

By Angellic Jordan November 17, 2017 - 02:03 AM

 

Matapos ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno at ISIS-inspire Maute group, tinatayang aabot sa 1.16 billion hanggang dalawang bilyong piso ang kakailanganin ng Department of Education para sa pagsasaayos ng dalawamput siyam na eskuwelahan na nawasak sa Marawi City.

Sa isang press conference, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na mayroon pang dagdag na apatnaput pitong paaralan na kailangan ding mabigyan ng major repairs.

Patuloy pa aniya ang pakikipagnegosasyon ng ahensiya sa Kamara kaugnay sa nabanggit na pondo dahil hindi ito kabilang sa nakalaang pondo sa ahensiya.

Sa ngayon, may kabuuang pondo na 109.31 billion pesos ang ahensiya para sa kanilang Basic Education Facilities Fund.

Sakop ng DepEd ang pagsasaayos ng mga sira sa eskuwelahan at kuryente, at pagbili ng mga furniture.

Samantala, nagtatayo na rin ang DepEd ng temporary learning space para makabalik sa pag-aaral ang mga estudyante sa naturang lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.