San Beda kampeon sa NCAA ‘93

By Justinne Punsalang November 16, 2017 - 11:33 PM

 

Mula sa inquirer.net

Itinanghal na kampeon ng NCAA season 93 men’s basketball tournament ang San Beda Red Lions.

Sa iskor na 92-82, pinataob ng Red Lions ang Lyceum dahilan para makamit ng koponan ang ikalawang sunod na taong championships.

Pinangunahan ni Robert Bolick ang koponan matapos nitong magtala ng 18 points na sinundan naman ni Donald Tankoua na nagbigay ng 17 puntos.

2-digit scores din ang naibigay nina Javee Mocon at AC soberano na nagbigay ng 14 at 11 points.

Para naman sa Lyceum, si CJ Perez ang nanguna sa kanilang koponan sa pamamagitan ng 22 points na sinundan nina Mike Nzeusseu na nagbigay ng 15 puntos at ni Jaycee Marcelino na nagtala naman ng 12 points.

Ito na ang ika-sampung championship title ng San Beda Red Lions.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.