Habambuhay na pagkakabilanggo na hatol sa 3 kidnapper, kinatigan ng Korte Suprema

By Ricky Brozas September 17, 2015 - 03:38 PM

 

File photo

Pinaboran ng Korte Suprema ang hatol laban sa tatlong na kidnapper na una nang nailigtas sa kamatayan matapos ang matagumpay na apela ng Public Attorney’s Office (PAO) na muling mabuksan ang kanilang kaso sa kabila ng pagkakaroon ng pinal na hatol ng korte.

Sa sinulat na desisyon ni Associate Justice Teresita Leonardo De Castro na kinatigan nina Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, Jose Portugal Perez at Estela Perlas-Bernabe ng SC First Division, pinagtibay ang habambuhay na pagkabilanggo laban sa tatlong kidnapper na sina Roderick Licayan, Roberto Lara at Rogelio Delos Reyes na may kaunting pagbabago kaugnay sa multa na ipinataw sa kanila ng Marikina City Regional Trial Court.

Matatandaang pinaboran ng CA ang sentensiya laban sa tatlo dahil sa pagdukot sa restaurateur na si Joseph Tomas Co at kanyang alalay na si Linda Manaysay na dinukot ng mga akusado noong August 10, 1998 sa Sampaloc, Maynila, na dinala sa kanilang hideout sa Barangay Parang, Marikina City.

Sa record ng kaso, tinangay ng mga akusado ang mga alahas, pera, wallet at relo ng mga biktima at humingi ng P10M na ransom para sila ay palayain.

Noong 2001 sina Lara at Licayan ay hinatulang mabitay ngunit ipinag-utos ng SC na muling buksan ang kaso bilang tugon sa kahilingan ni Atty, Persida Rueda Acosta, ang pinuno ng PAO, na layong mabigyang pagkakataon na madinig ang mga bagong testimonya ng mga testigo, kaya muling ibinalik ang kaso upang muling litisin ng Marikina City RTC.

Ayon sa mga saksi sa krimen, walang partisipasyon sina Lara at Licayan sa pagdukot sa mag-among Co at Manaysay, hindi rin pinakinggan ng korte maging ang testimonya ng radio reporter na si Corazon “Zony” Esguerra at Msgr. Roberto Olaguer na nagsasabing hindi kasali sa krimen sina Licayan at Lara.

Ayon sa SC, napatunayan ng husgado ang kasalanan ng mga akusado na pinatawan ng bitay ayon sa Article 267 ng Revised Penal Code, gayunman dahil sa Republic Act 9364 na nagbabawal sa death penalty ang parusa laban sa kanila ay hindi naipataw.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.