Bagong operating hours ng MRT, sisimulan bukas

By Angellic Jordan November 16, 2017 - 09:36 PM

Bunsod ng sunud-sunod na nararanasang aberya sa Metro Rail Transit o MRT-3 kasama na ang pagkakahiwalay ng isang bagon sa pagitan ng Buendia at Ayala Avenue Stations kaninang umaga, babaguhin na ng MRT Authority ang operating hours ng mga tren simula bukas, November 17.

Ayon sa MRT Authority, mula sa alas singko ay magiging alas singko y medya na ang opening time ng unang biyahe ng tren habang mula naman sa alas onse na closing time ay magbibiyahe naman ang huling commercial train ng alas diyes y medya ng gabi.

Paliwanag ni MRT Operations Director Michael Capati, ito ay para magkaroon ang ahensiya ng dagdag na isang oras para masuri ang mga bagon bago tumakbo ang mga ito.

Maliban dito ay magtatalaga din aniya ng train marshalls para paigtingin ang seguridad at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Nanindigan naman ang ahensiya na ligtas pa ring sumakay ang publiko sa mga tren sa kabila ng mga aberya.

TAGS: MRT, operating hours, MRT, operating hours

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.